Sunday, June 19, 2011

Buhay Kish, Buhay sa Iran


Buhay Kish, Buhay sa Iran

Tapos na ang 2 buwan palugit
ang lugar na ayaw mabanggit 
akin nang tutunguhin at doon mananalagi
kahit na hindi ko man ito naisin di maitatangi

pag apak ko sa lugar nila
tila natapos ang tuwa't saya
nabago ang aking mundo
tila nawala ang saysay nito


ako'y nagtiis nang 34 na araw
para sa akin ganda nang mundo'y di matanaw
pagkat sa lugar na ito ako ay mistulang preso
parang wlang magandang inaanunsyo

Kahit ganun man gusto kong magpasalamat
kahit na ako ay naghirap at kasaganahan ay salat
pagkat sa lugar na itoy nahanap
mga kaibigan na ikinagalak at sapat

Pag uwi sa Dubai ako ay nabuhay
Sa piling nang mahal kong asawa saya ay tunay
napuno ulit nang pagmamahalan at saya
Magkasama at nakaramdam nang laya

Sa mga natutunan sa islang iyon
aking aalalahanin aking ibabaon
Pasalamat sa Diyos Ama sa Langit
ako ay laging ginagabayan at hindi winaglit

✒ecb 6.19.11

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.