Tuesday, September 4, 2012

Isang pagpuna sa isang nilikha

Nakakaawa kangnilikha
Nabubuhay sa mundong walang nakakaalala
Na sa sandaling matapos ang hiram na panahon
Ikaw bay may makakaalala yan ang isang malaking tanong

Wala kang naging kaibigan
Puro kakilala at mga katrabaho lamang
buhay mo'y inalay lamang sa iisang tao, buhay mo'y inikot lamang dito
ang nakakaawa ni walang naging bunga ang pagmamahalan ninyo

nakakaawa ka kaibigan
ni walang naging bunga ang pag iibigan
walang saysay ang buhay
ang anak lamang ang syang katuparan syang tunay

Walang silbi ang pagkatao mo
wala kang maiiwan sa mundong ito
Walang iiyak sa iyong pagkawala
ni pamilya mong inaaruga

ano pa ang silbi nang buhay
kung sa iisang tao lamang naialay
pagmamahal panahon at buong pagkatao
ganun nalang ba lahat nang ito?

Ngayon marahil ay maliwanag na
kiung bakit ang tao ay nag aanak
pagkat para pagdating nang panahon
may taong makakaalala nang nakalipas at magpapatuloy nang itinakda nang Panginoon.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.